Dr. Alvin Rejumax 2 Review by Dennis Albano Balbacal

Hello everyone! Today is a very special blog post because I'm allowing my #VanityFriends to share their review of random products to me and post it here in our humble blog. Thanks  #VanityFriends for sharing your reviews. This will really help a lot of readers looking for honest and truthful review about different products.

What?

Dr. Alvin Rejumax 2 Review by Dennis Albano Balbacal

Before using Dr. Alvin
Marami sa atin ang madami na nasubukan na kung ano-ano para lang kuminis, mawala ang sumpa at pumuti. Sa kagustuhan kong kuminis, madami na akong napagdaanan. Yung iba nagpalala at yung iba naman medyo may kamahalan kaya di ko masustain. Hanggang sa sinubukan ko ang mga set set na yan. Ibat ibang rejuvenating set na di ko na mabilang kung ilan, mga anti acne products mula sa ibat ibang hugis ng lalagyan, kulay at amoy, mga astringent na nangako ng kutis artista at baby face daw, at mga food supplement na di naman na epekto sa akin. Sumali din ako sa promo ng isang sikat na anti acne pill, effective naman siya kaya lang mahal alam niyo naman ang mga commoner na katulad ko. Hahahaha. Dumating din ako sa point na parang wala na yatang pag-asa. Kaya tumigil muna ako sa mga skincare na malala. Nag cetaphil muna ako mula October hanggang December. So bakit di ko tinuloy ang cetaphil?? Wala lang. ang mahal besh ehh.. ang mahal!! So balik ako sa normal na germicidal soap. Since nagbago ang environment ko, lalo na ang work place, lalong dumami ang pagsubok at sumpa sa mukha. Sobrang taas ng stress level pag nasa BPO ka. (for me lang ha, ewan ko sa iba)


Mabuti na lang kahit papaano, nakakabasa pa din ako ng mga updates sa #VanityFriends GC. Nakita ko dun yung Dr. Alvin. Nung una parang ayoko kasi na try ko na to nung 2015 yata yun. Yun yung anti acne set nila na may kasamang tea tree soap, sunblock at may isa pang cream na di ko na maalala. Lumala ko dun ng sobra. Pero since makulit ako at wala na din naman mawawala kung magt-try ako, so ayon, nagpabili ako sa mga friends ko since night shift ako. Baka kasi kung ano ano mabili ko pag ako ang bumili. Basta basta na lang kasi ako nabili ng kung ano ano pag puyat ako napunta sa mga store. Hahaha.  So ang bilin ko talaga sa kanila, wag kayo uuwi ng wala kayong nakikitang ganyan, kahit anong number basta ibili niyo ako. Hahaha. So bili naman sila. Sa halagang 315 pesos aba may nagbago. Sobrang parang magic. Hindi pa naman ako sobrang kinis pero aminin niyo naman na sobrang laki ng difference. Nagstart ako ng January 10, 2017. Puro sumpa ako that time, sumpa mula pa nung September.

So eto na nga, January 10 ng gabi mega basa ako ng instructions, may pa research research pa akong ganyan.hahahahah. Tinuloy tuloy ko siya, walang skin test skintest!! Diretso agad. Napansin ko agad yung sabon niyang kasama na Kojic Acid Soap ay mild lang. hindi ko ineexpect na ganun siya ka gentle sa balay. Walang stinging effect. As in sobrang mild. Sa Toner naman wala din akong problema (Number 2 po ito). Napaka gentle din. Hindi ako nakaramdam ng hapdi. As in wala. Tapos may kasama din siyang soothing cream. Sobrang ganda nito. Yung may shiny effect na parang Korean Korean. Hahaha Ginagamit ko ang mga yun twice a day. Di ko ginagamit ang sunblock kasi night shift ako at paglabas ko naman di pa masyadong malala ang araw. (but wait theres more!) Inip na inip ako mag peel. Mga 5 days yata bago ako nag peel. Pumapasok ako na nagbabalat ang mukha. Nakatulong din siguro ang AC s office kaya di masyadong ramdam kung may hapdi man pero sa kin talaga walang hapdi. Sat-Sun ang off ko so minsan umuuwi ako sa amin. (nag aapartment po ako.) 4 hours away ang byahe, naka motor, at sobrang init kaya nag sunblock ako. Tapos kinabukasan may mga bumps ako. So akala ko normal lang tapos nababasa ko sa iba na ganun din reaksyon ng skin nila sa sunblock so tinigil ko siya.


Sinubukan ko din lumabas na walang sunblock, wala naman akong naramdamang kakaiba. Yung pic ko nung Feb 4 ay ang aking 26th day. Galing ako sa raket nun kasi sabado. Nag picture picture ako sa ikakasal sa arawan. (masipag po akong tao) hahahah. Mahapdi siya pero hindi naman sobrang hapdi. Ang ginagawa ko kasi wala din naman akong option para maginarte sa sunblock e nag aaloevera gel na lang ako para magsubside ang pamumula.


Ginawa ko na siyang routine. Basta mainitan, aloe gel agad. Maganda din ang aloe gel pag nagppeel na para di ka hirap mag tanggal ng dead skin. Nagsisilbi siyang peeling gel.
Napapansin na ng mga officemates ko na parang may nagbabago. So ako naman tuwang tuwa kasi napapansin. Hahaha. Nagsisimula na sila magtanong kung ano ginagamit ko. So hindi naman din ako masyadong madamot kaya pinaorder ko sila. Charot!!!  15th day ko nakita yung pinagbago na sinasabi nila kasi sa akin talaga di ako masyado maniwala kaya ang ginawa ko naghanap ako ng lumang pic ko na nakuhanan ko pa last November 18, 2017 tapos nacompare ko sa pic ko nung January 24, 2018. Napatunayan ko na may himala. Hahaha. May pagasa pa mga besh.


 Individual Product Review:




Sa soap ok siya. Mild, mabula, mabango at matipid gamitin. 10/10.1 month na siya pero buo pa.

Toner naman, maganda din, mild kaya lang ang tagal ko mag peel talaga kaya kailangan ko damihan. Pang saktong 1 month lang to talaga. 8/10


Soothing Cream. Mabango, sobrang ok siya kasi ang bango at may shiny effect siya. Konti lang siya. Nagpabili na ako ulit. 80.00 isa. (o diba napakapalautos ko!) hahaha 10/10


Sunblock Cream. May silbi naman siya kahit papaano. SPF 15 lang siyakaya lang di ko talaga siya gusto. Nakakapimples siya. Siguro kaialngan nila gumawa ng bagong formulation. 0/10


---



Thank you so much Dennis for sharing your honest feedback about the Dr. Alvin Rejumax Set 2. I wish for your continues skincare success. Thanks for all of your support and love to all the members of #VanityFriends!


Want my future posts delivered directly to your inbox? It's FREE!

JUST ENTER YOUR EMAIL ADDRESS:




Thank you for reading. Follow me on my social media channels for more review updates and giveaways. You can also message me if you have questions so see you there!
Facebook: Vanity Room PH
Instagram: @MJamesPerez
Powered by Blogger.